Home HOME BANNER STORY Road works sa MM, sinuspinde ng MMDA ‘gang Disyembre 23

Road works sa MM, sinuspinde ng MMDA ‘gang Disyembre 23

2
0

MANILA, Philippines – Pansamantalang sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang lahat ng road excavation sa mga national at city road sa Metro Manila upang maiwasan ang paglala ng inaasahang matinding trapiko ngayong papalapit ang Pasko.

Sa abiso nitong Sabado, Oktubre 31, sinabi ng MMDA na magsisimula ang suspensiyon sa alas-12 ng hatinggabi ng Linggo, Nobyembre 1, at tatagal hanggang alas-12 ng hatinggabi ng Disyembre 23.

“This is intended to minimize disruptions and ensure a smoother journey for motorists, given the expected increase in the number of vehicles as the Christmas season approaches,” ayon sa ahensya.

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 20, Series of 2026, hindi saklaw ng suspensiyon ang ilang proyekto ng pamahalaan at emergency repair, kabilang ang:

–Mga flagship project ng pamahalaan;

–Pagkukumpuni at konstruksyon ng tulay ng Department of Public Works and Highways (DPWH);

–Flood interceptor catchment project o box culvert;

–Asphalt overlay project na walang reblocking;

–Pagpapaganda ng mga bangketa;

–Mga drainage improvement project sa bangketa na hindi sumasakop sa bahagi ng kalsada;

–Konstruksyon ng footbridge;

–Emergency repair sa tagas o pagkasira ng linya ng tubig ng Manila Water Co. at Maynilad Water Services Inc.;

–Bagong koneksiyon ng tubig o kuryente;

–Mga aktibidad sa kalsada na walang excavation at nangangailangan lamang ng traffic clearance;

–Relocation o emergency work ng Meralco na nakaaapekto sa mahahalagang proyekto ng pamahalaan; at

–Iba pang proyektong papayagan ng MMDA matapos magsumite ng kaukulang aplikasyon.

RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here