MANILA, Philippines – Hinimok ni Senate President Win Gatchalian ang mga lokal na pamahalaan at pulisya na mahigpit na bantayan ang kaligtasan ng mananakay at biyahero tulad ng bakasyunistang bumibiyahe sa paggunit ng All Saints’ Day at All Souls’ Day ngayon weekend.
Ayon kay Gatchalian, sanhi ng inaasahang pagdami ng pashero o pagsisikip ng ang mga expressway, pangunahing kalsada, terminal ng bus, paliparan, at pantalan, kailangang palakasin ng mga LGU at pulisya ang mga protocol sa seguridad upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng mga bumiyahe.
“Magiging mas makahulugan ang paggunita natin sa mga mahal natin sa buhay na yumao na kung maayos at ligtas ang lahat sa byahe,” aniya.
Binigyang-diin din ng Senate President ang kahalagahan ng disiplina, pasensya, at pagbibigayan sa kalsada ng mga motorista.
“Alam na natin na marami talaga ang magba-byahe sa mga panahon na ito, huwag nating pairalin ang init ng ulo at maging magalang sa mga kapwa natin motorista,” dagdag pa niya. Ernie Reyes