MANILA, Philippines – Isa ang patay habang isa ang sugatan sa banggaan ng motorsiklo at multicab sa Sitio Lourdes, Barangay Poblacion, Liloan nitong Sabado ng umaga, Oktubre 31.
Ang multicab ay minamaneho ni alyas Wendel, 38, residente ng Barangay Guadalupe, Bogo City.
Samantala, ang rider ay tinukoy bilang si alyas John.
Si John ay may back rider na kinilalang si alyas Ben, 22 na kapwa residente ng Barangay San Vicente, Liloan.
Batay sa imbestigasyon ng Liloan Municipal Police Station, binabagtas ng drayber ng multicab ang southbound direction.
Habang bumibiyahe ay tinawid nito ang kabilang lane na nagresulta para makabanggaan ang motorsiklo.
Dahil sa impact, nagtamo ng matinding pinsala sa ulo ang drayber ng motorsiklo dahilan sa agarang kamatayan nito.
Samantala, dinala naman sa ospital ang back rider nito na nagpapagaling na.
Dinala naman sa istasyon ng pulis ang drayber ng multicab na nahaharap sa reklamo. RNT/JGC