Home NATIONWIDE 2 tiklo sa P9M ismagel na sigarilyo sa Surigao

2 tiklo sa P9M ismagel na sigarilyo sa Surigao

4
0

MANILA, Philippines – Nasamsam ng pulisya ang nasa P9 milyong halaga ng hinihinalang ismagel na sigarilyo kasabay ng pagkakaaresto ng dalawang indibidwal sa anti-smuggling operation sa Barangay Saint Christine, Lianga, Surigao del Sur.

Naharang ng mga operatiba mula sa 1st Surigao del Sur Provincial Mobile Force Company (PMFC), sa pangunguna ni acting force commander Maj. Magdalino G. Pimentel Jr., ang mga kontrabando 8:10 ng umaga nitong Biyernes, Oktubre 30 sa tulong ng pulisya at intelligence units ng pamahalaan.

Ang operasyon ay inilunsad matapos makatanggap ng tip ang Surigao del Sur Police Provincial Office Special Operations Group mula sa isang concerned citizen kaugnay sa mga indibidwal na nagbababa ng mga kahon ng sigarilyo mula sa isang sasakyan.

Kulang sa kaukulang tax stamp at clearance mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga nakumpiskang produkto.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina alyas “Jun,” 27, umano’y cargo owner, at “Mon,” 50, drayber na kapwa residente ng Zamboanga City.

Nasa kustodiya ng Lianga Municipal Police Station ang mga naaresto at nahaharap sa kaukulang reklamo. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here