MANILA, Philippines – Dumating na sa Zamboanga City ang nasa 800 deportees mula Sabah, Malaysia nitong Biyernes ng gabi, Oktubre 30 sakay ng passenger vessel MV Antonia 1, sinabi ng Zamboanga Peninsula regional field office ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Sabado.
Sa 800 deportees, 589 ang adult makes, 89 ang adult females, 64 ang batang lalaki, at 58 ang batang babae.
Ang mga deportee ay ililipat sa Processing Center for Displaced Persons ng DSWD para sa
profiling, social welfare assessment, at pagtukoy ng nararapat na interbensyon at tulong.
Ayon sa DSWD, ang mga deportee ay mula sa tatlong detention center sa Sandakan, Papar at Tawau sa Sabah.
Ang pagdating nitong Biyernes ay nagdala sa kabuuang 1,069 bilang ng deportees noong nakaraang linggo.
Kamakailan ay pinaigting ng Sabah Immigration Department ang crackdown sa undocumented migrants.
Napauwi na nito ang nasa 7,490 detainees ng iba’t ibang lahi kung saan 5,357 sa mga ito ay mga Filipino. RNT/JGC