MANILA, Philippines – Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang walong crew member ng isang motorbanca na bahagyang lumubog sa Dalupiri Island sa Calayan, Cagayan, nitong Sabado, Oktubre 31.
Ayon sa PCGH, ipinadala ng PCG said Coast Guard Station (CGS) Calayan ang kanilang rescue teams para iligtas ang mga crew member ng M/B Rose Marie 1.
Unang nadala sa dalampasigan ang limang crew member at ang nalalabing tatlo ay niligtas ng ikalawang team.
Ibinyahe naman ang walong crew patungo sa Calayan Rural Health Unit para sa medical assessment.
Hindi pa malinaw kung ano ang dahilan ng paglubog ng motorbanca. RNT/JGC