Home NATIONWIDE FPRRD ‘di dadalo sa huling hearing bago litisin ng ICC sa Nobyembre...

FPRRD ‘di dadalo sa huling hearing bago litisin ng ICC sa Nobyembre 30

2
0

MANILA, Philippines – Hindi dadalo si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ikalimang status conference bukas, Nobyembre 2.

Ito ay mahigit tatlong linggo bago ang paglilitis nito para sa crimes against humanity sa International Criminal Court sa The Hague, the Netherlands.

Hindi naman tinukoy ng depensa ang mga eksaktong dahilan sa hiling na hindi pagdalo, na pinagbigyan naman ng Trial Chamber (TC) III noong Oktubre 9, o araw matapos itong ihain.

Ito ang huling status conference na nakatakda bago humarap si Duterte sa korte para sa paglilitis na magsisimula sa Nobyembre 30.

Dinaluhan naman niya ang ikatlo at ikaapat na status conference kung saan siya humarap nang personal sa unang pagkakataon mula nang arestuhin ito noong Marso 2025.

Isinasagawa ang status conference upang bigyang-daan ang mga partido at participant sa kaso na pag-usapan ang mga pamamaraan at resolbahin ang mga hindi pinagkasunduang usapin sa paglilitis. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here