Home HOME BANNER STORY Mga dumagsa sa Manila North Cemetery, 811K na!

Mga dumagsa sa Manila North Cemetery, 811K na!

2
0

MANILA, Philippines – ‎Dagsa na ang mga tao na bumibisita  sa Manila North Cemetery (MNC) ngayong araw, Nobyembre 1.
‎
‎Bagamat dagsa ang pagpasok, marami na rin ang lumalabas.
‎
‎Sa datos at Undas 2026 monitoring ng Manila Police District (MPD), umakyat na sa 811,200 indibidwal ang dumalaw sa sementeryo.
‎
‎Napag-alaman na sakaling bumuhos ang dami ng bibisita sa MNC, posibleng buksan ang isang gate ng sementeryo sa bahagi ng A. Bonifacio na magsisilbing exit point ng mga bumibisita.
‎
‎Binuksan ang Manila North Cemetry sakto alas 5 ng umaga at magsasara alas 8 ng gabi pero depende pa yan sa buhos ng mga tao na maaring humabol.
‎
‎Ngayong 12:30 ng hapon ay bigla namang bumuhos ang ulan kaya kanya-kanyang diskarte ang karamihan upang makasilong at hindi mabasa ng ulan. Jocelyn Tabangcura-Domenden
‎

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here