Home NATIONWIDE VP Sara dinalaw mga puntod ng mga biktima ng Yolanda

VP Sara dinalaw mga puntod ng mga biktima ng Yolanda

4
0

MANILA, Philippines — Nagbigay-pugay si Vice President Sara Duterte sa mga nasawi sa pananalasa ng Super Typhoon Yolanda sa Tacloban City noong 2013 bilang bahagi ng paggunita sa Undas.

Dinalaw ni Duterte ang Holy Cross Memorial Gardens noong Biyernes, kasama ang mga tauhan ng Office of the Vice President-Eastern Visayas Satellite Office.

Nag-alay sila ng mga bulaklak, nagsindi ng kandila at nagdasal para sa mga nasawi sa kalamidad.

“Sa ating paggunita sa Araw ng mga Patay, isama natin sa ating mga panalangin ang mga kababayan nating biktima ng kalamidad at sakuna, gayundin ang kanilang mga naiwang pamilya,” ani Duterte sa kanyang Facebook post.

Hinikayat din niya ang publiko na manatiling matatag sa gitna ng mga pagsubok.

Libo-libong katao ang nasawi nang manalasa ang Super Typhoon Yolanda sa bansa noong Nobyembre 2013, habang mahigit isang milyong bahay ang napinsala.

Dinalaw din ni Duterte ang Ormoc City Public Cemetery Mass Grave Memorial sa Leyte, kung saan nakahimlay ang mga biktima ng matinding flash flood noong 1991.

Nag-alay din siya roon ng bulaklak at panalangin at nagsindi ng kandila bilang paggunita sa mga nasawi bago ang ika-35 anibersaryo ng trahedya.

Noong Oktubre 30, binisita rin ng Bise Presidente ang memorial para sa mga nasawi sa Roxas Night Market bombing sa Davao City noong 2016.

Nag-alay din siya ng panalangin para sa mga biktima ng pambobomba. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here