Home NATIONWIDE Win sa DepEd: ‘Wag hayaang palalain ng El Niño ang learning loss

Win sa DepEd: ‘Wag hayaang palalain ng El Niño ang learning loss

2
0

MANILA, Philippines — Hinimok ni Senate President Sherwin “Win” Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na ipatupad ang localized class suspensions sa panahon ng El Niño upang maprotektahan ang mga mag-aaral nang hindi lalo napalalala ang learning loss.

Ayon kay Gatchalian, dapat ibatay sa aktuwal na kondisyon sa bawat lugar ang desisyon sa suspensyon ng klase sa halip na malawakang kanselasyon ng pasok.

“Hindi lang ang kaligtasan ng mga mag-aaral ang pinagbabantaan ng El Niño, kundi pati na rin kakayahan nilang matuto,” ani Gatchalian.

Batay sa policy note ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), isang tipikal na public elementary school ang nawalan ng humigit-kumulang 20 teaching days noong School Year 2025–2026 dahil sa hazard-related class suspensions.

Tinatayang katumbas din ng nasa 1.4 araw ng nawalang reading progress ang bawat araw na suspendido ang klase.

Kasunod ito ng pagpapatupad ng DepEd ng 4H Framework o Hayo, Hinay, Hinga at Hinto para sa pagtugon ng mga paaralan sa matinding init dulot ng El Niño.

Sa ilalim ng “Hinto” level, suspendido ang lahat ng physical at home-based academic activities kapag umabot sa 42 degrees Celsius o higit pa ang heat index.

Kapag nasa 33 hanggang 41 degrees Celsius naman, suspendido ang physical classes at maaaring magpatupad ng mas magaang home-based learning activities.

Binigyang-diin ni Gatchalian na dapat mapanatili ang balanse sa pagitan ng kaligtasan ng mga mag-aaral at pagpapatuloy ng kanilang pagkatuto upang hindi lumawak ang learning gaps.

Nauna nang sinabi ng DepEd na bibigyan nito ng mas malaking flexibility ang school heads at division superintendents upang gumawa ng desisyon batay sa aktuwal na temperatura, bentilasyon, suplay ng tubig at iba pang kondisyon sa kanilang lugar. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here