Home NATIONWIDE Language barrier, kahaharaping problema ng mga biktima sa Duterte ICC trial –...

Language barrier, kahaharaping problema ng mga biktima sa Duterte ICC trial – abogado

3
0

MANILA, Philippines – Nahaharap sa language barrier at iba pang hamon ang mga biktimang nais lumahok sa nalalapit na paglilitis kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Ayon kay ICC Assistant to Counsel Kristina Conti, kabilang sa mga pangunahing concern ang paggamit ng English sa proceedings, proteksyon ng mga testigo at kung aling mga insidente ang sakop ng mga kasong lilitisin.

Nauna nang hindi pinayagan ng ICC Trial Chamber III ang hiling ng legal representatives ng mga biktima na gumamit ng Tagalog sa ilang bahagi ng kanilang opening statement.

Layunin sana nitong direktang mabasa sa Tagalog ang ilang salaysay ng mga biktima.

Sinabi ni Conti na maaaring maging hadlang ang language requirement, partikular sa mga biktimang walang agarang access sa abogado o legal representative at maaaring mahirapang maintindihan ang proceedings.

Concern din umano ng mga biktima ang saklaw ng mga kasong haharapin ni Duterte dahil posibleng hindi mapasama sa parameters ng ilang charges ang lahat ng insidenteng nais nilang ihain.

Nilinaw naman ni Conti na hindi kailangang maging witness ang isang biktima upang makalahok sa proceedings.

Maaari silang magpahayag ng kanilang views at concerns sa pamamagitan ng kanilang legal representatives at maaari ring humingi ng reparations sakaling magkaroon ng conviction.

Hindi rin umano nakadepende sa dami ng participating victims ang lakas ng ebidensiya ng prosecution.

Patuloy na tatanggap ang ICC ng applications mula sa mga nais lumahok bilang biktima hanggang matapos ang presentation of evidence ng prosecution.

Tinalakay rin sa paghahanda para sa trial ang protective measures para sa mga testigo, kabilang ang posibleng pagtatago ng kanilang pagkakakilanlan o paggamit lamang ng kanilang boses kung kinakailangan para sa kanilang seguridad.

Nakatakdang magsimula ang paglilitis kay Duterte sa Nobyembre 30 kaugnay ng tatlong counts ng crimes against humanity of murder at attempted murder. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here