MANILA, Philippines – Binuksan na ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang aplikasyon para sa ilang pangunahing posisyon sa Bangsamoro Government.
Kabilang sa mga posisyong maaaring applyan ang minister, deputy minister, head of office at deputy head of office.
Ang hakbang ay kasunod ng pagbuo ng Search and Screening Committee na siyang mangangasiwa sa pagsusuri ng mga aplikante para sa naturang mga posisyon.
Kailangang magsumite ang mga interesadong aplikante ng Letter of Intent, updated Personal Data Sheet (PDS), at Work Experience Sheet (WES).
Maaaring ipadala ang aplikasyon at iba pang supporting documents sa [email protected].
Ang pagbubukas ng aplikasyon ay kasabay ng pagbuo ng bagong pamunuan ng BARMM matapos magsimula ang unang regular parliamentary government ng rehiyon.
Si Abdulraof Macacua ang nahalal bilang Chief Minister ng unang regular Bangsamoro Parliament at may tungkuling pamunuan ang executive administration at magtalaga ng mga pinuno ng ministries, offices at agencies ng Bangsamoro Government. Mary Anne Sapico