Home ENTERTAINMENT Zara Lopez, rumesbak sa Viva Hot Babes, may hanash kay Katya!

Zara Lopez, rumesbak sa Viva Hot Babes, may hanash kay Katya!

2
0

Manila, Philippines – Matapos napansing no-show sa reunion concert, nagsalita na si Zara Lopez sa dating grupong Viva Hot Babes at sa kanyang estado dito.

Taong 2003 nang itatag ang VHB–kung saan mismong si Boss Vic del Rosario ang namili kina Maui Taylor, Katya Santos at Andrea del Rosario para bumuo nito.

Si Zara’y kabilang sa ikatlong batch, having joined in 2007.

Mula nang mabuo, nagkaroon ng 36 miymbro ang nasabing grupo.

Nitong October 29 sa Facebook, inihayag ni Zara ang kanyang status sa grupo: “I am no longer a Viva Hot Babe and I’m never coming back.

“Ako na mismo ang kusang aalis. And this time, it’s permanent.”

Opisyal na daw isinasara ni Zara ang kabanata sa pagiging bahagi ng VHB makaraan ng mahigit 20 taon.

Paglilinaw niya, sinuportahan naman niya ang grupo sa maraming taon sa pamamagitan ng kanyang social media presence: ‘But here’s the truth: I no longer want to be associated with the Viva Hot Babes name.”

Hindi na nagtaka ang 6.3M socmed followers ni Zara–lalo’t may post din siya tungkol sa online bullying mula sa karelasyon ni Katya Santos, si Paolo Pilar.

Personal daw ang mga atake nito laban sa kanya.

Himutok ni Zara, naturingan pa mandin daw na she was closest to Katya pero ginawan siya nito ng intriga ng kanyang partner.

Pero tiniis lang daw niya ‘yon: “Pretending that everything is okay. But the truth is, I’m not okay.”

Ang masakit pa daw, kinunsidera niyang mga sisters ang mga VHB members: “I loved them wholeheartedly. But somewhere along the way, things changed.”

Aminado si Zara na nasaktan siya “being left out of the VHB reunion concert more than I could explain…ang sakit pala kapag buhay pa ang mga taong mahal mo, pero pakiramdam mo, nawalan ka na ng pamilya.”

Your reaction, VHB girls. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here