Home METRO Vendor, utas sa suwag ng trak sa Laguna

Vendor, utas sa suwag ng trak sa Laguna

3
0

LAGUNA, Philippines – Dead on arrival sa San Pablo District Hospital ang isang 47-anyos na vendor matapos mabangga ng isang Sinotruck Tractorhead ang minamaneho niyang electric bike kagabi, Nobyembre 2, 2026, sa Barangay San Roque, San Pablo City.

Kinilala ang biktima sa alyas na Nestor, 47, may-asawa at residente ng Barangay Sta. Monica, San Pablo City. Nagtamo siya ng mga pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Nasa kustodiya naman ng San Pablo Component City Police Station ang driver ng truck na kinilalang alyas Ed, 42, may-asawa at residente ng Barangay Timalan, Naic, Cavite.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-10:50 kagabi nang mangyari ang insidente. Galing umano ang biktima sa Main Street Plaza at huminto sa harapan ng Sinotruck Tractorhead na may plakang NGR-5807 at patungong northbound.

Hindi umano napansin ng driver ang nakahintong electric bike sa kanyang harapan kaya nabangga niya ito, dahilan ng pagkamatay ng biktima. Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here