Home NATIONWIDE Kingfisher grad, nanguna sa October 2026 CPA board exam

Kingfisher grad, nanguna sa October 2026 CPA board exam

7
0

MANILA, Philippines – Isang graduate ng Kingfisher School of Business and Finance ang nanguna sa October 2026 Certified Public Accountants Licensure Examination (CPALE), ayon sa Professional Regulation Commission (PRC).

Nakakuha si Tyron Jones Timoteo Acuña ng rating na 92.00%, dahilan upang manguna siya sa libo-libong kumuha ng pagsusulit.

Kabuuang 3,988 examinees ang matagumpay na nakapasa sa naturang licensure examination.

Inilabas ng PRC nitong Martes, Nobyembre 3, ang opisyal na resulta ng pagsusulit, kabilang ang listahan ng mga nakapasa at mga examinee na nakapasok sa Top 10.

Isinagawa ang CPA licensure examination noong Oktubre 2026 sa iba’t ibang testing centers sa bansa. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here