Home METRO Traffic rerouting ipinatupad sa Antipolo dahil sa drainage works

Traffic rerouting ipinatupad sa Antipolo dahil sa drainage works

4
0

ANTIPOLO CITY – Nagpatupad ang lokal na pamahalaan ng Antipolo ng traffic rerouting plan simula Martes, Nobyembre 3, upang bigyang-daan ang renovation ng drainage canal sa L. Sumulong Memorial Circle.

Ayon kay Antipolo Mayor Casimiro “Jun” Ynares III, apektado ng konstruksyon ang bahagi malapit sa Taktak Road at Daang Bakal Road sa Barangay de la Paz.

Pansamantalang isasara ang kalahati ng kalsada sa construction area habang isinasagawa ang proyekto.

Dahil dito, magiging one-way muna ang apektadong bahagi ng L. Sumulong Memorial Circle patungo sa Sumulong Highway.

Pinayuhan naman ang mga motoristang patungo sa HAMAKA Park o Ortigas Avenue Extension na dumaan sa Pinagmisahan Street bilang alternatibong ruta.

Mananatiling two-way ang Pinagmisahan Street kaya maaari pa ring dumaan dito ang mga sasakyan sa magkabilang direksyon.

Ayon kay Ynares, inaasahang makaaapekto sa daloy ng trapiko ang konstruksyon kaya isasagawa sa gabi ang mas mabibigat na trabaho upang mabawasan ang abala sa mga motorista.

Hinimok din ng alkalde ang publiko na sundin ang mga traffic sign at utos ng mga traffic personnel habang nagpapatuloy ang proyekto.

Layunin ng drainage renovation na mapabuti ang daloy ng tubig at maging mas ligtas ang mga kalsada sa lugar. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here