Home NATIONWIDE 6 ex-DPWH execs kinasuhan sa P491-M right-of-way anomaly

6 ex-DPWH execs kinasuhan sa P491-M right-of-way anomaly

5
0

MANILA, Philippines – Kinasuhan sa Sandiganbayan ng Office of the Ombudsman ang anim na dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kaugnay ng umano’y maanomalyang P491.93 milyong road right-of-way payments sa General Santos City.

Kasama sa mga kinasuhan sina dating DPWH-Soccsksargen Regional Director Subair Saro Diron at dating Assistant Regional Director Laureano Suan Jr.

Pitong pribadong indibidwal din ang isinama sa mga kaso.

Bawat akusado ay nahaharap sa 18 counts ng graft at 18 counts ng malversation.

Ayon sa Ombudsman, nakakita ito ng “prima facie evidence with reasonable certainty of conviction” laban sa mga respondent.

Nag-ugat ang mga kaso sa mga ulat na isinumite ng National Bureau of Investigation noong 2018 at 2019 kaugnay ng bayad sa road right-of-way para sa 18 parsela ng lupa na naapektuhan ng konstruksiyon ng Digos-Makar National Road sa Barangay Lagao, General Santos City.

Sinabi ng Ombudsman na inaprubahan umano ng technical working group ng DPWH-Soccsksargen ang paglalabas ng P491.93 milyon sa mga claimant na kalaunan ay natuklasang gumamit umano ng mga pekeng dokumento.

Batay sa pahayag ng witness na si Roberto Catapang Jr., isang grupo umano ang nakipagsabwatan sa ilang opisyal ng gobyerno upang makakuha ng right-of-way payments gamit ang fabricated documents.

Iniimbestigahan din noon ang paggamit umano ng 2009 appraisal value na P3,500 kada square meter para sa mga ari-ariang kinuha ng gobyerno noong early 1990s, na sinasabing nagresulta sa paglobo ng ROW claims.

Tumanggi namang magkomento ang DPWH regional office sa Koronadal City dahil nakabinbin na sa korte ang kaso at sakop na umano ng sub judice rule.

Ang pagsasampa ng kaso ay hindi nangangahulugang napatunayan na ang mga akusado. Ang kanilang criminal liability ay pagpapasyahan pa ng Sandiganbayan matapos ang paglilitis. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here