Home NATIONWIDE PBBM nais na matiyak na maaabot ng bawat barangay mga serbisyo ng...

PBBM nais na matiyak na maaabot ng bawat barangay mga serbisyo ng gobyerno

3
0

MANILA, Philippines – NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na tiyakin na maabot sa bawat barangay ang serbisyo at oportunidad ng pamahalaan mula sa mga paaralan at kalsada hanggang sa trabaho at kabuhayan.

Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ito ang malinaw na mensahe ni Pangulong sa NTF-ELCAC na nakatakdang magsagawa ng kanilang 10th Executive Meeting sa Palasyo ng Malakanyang.

Ani Castro, pangungunahan ng Pangulo ang naturang meeting kasama ang ibang miyembro ng gabinete at ng mga opisyal ng NTF-ELCAC.

Umabot na sa 5,638 barangays ang nakatanggap ng aabot sa P44.90B na halaga ng mga proyekto kabilang ang 978 classrooms, 1,601 km na farm-to-market roads, 1,182 water and sanitation systems at 556 health stations.

Napabuti aniya nito ang buhay ng aabot sa 16.8 million Filipinos. Sa ngayon, aabot na rin sa 33,381 barangays sa 62 provinces at 9 regions ang mayroong stable internal peace and security status.

Ang pangangalaga aniya sa kalikasan ay isang mahalagang paraan ng pangangalaga sa buhay, kabuhayan at kinabukasan ng mga tao.

“Isang malaking halimbawa rito ang Balanga City na nagpamalas ng husay sa papanumbalik ng kalikasan dahilan upang maging handa ang mga residente sa epekto ng pagbabago ng klima.

Alinsunod na rin ito sa kautusan ni Pangulong Marcos na repasuhin at pagbutihin ang pagtugon sa Climate Change.

“Noong nakaraan, malaking problema ng mga residente ang pagtaas ng tubig tuwing high tide, lalo na kapag may malakas na hangin o bagyo. Lumalala ang pagbaha dahil sa pagkasira at pagputol ng mga bakawan na dating nagsisilbing panangga ng baybayin,” ang sinabi ni Castro.

“Bukod dito, kumokonti na rin ang nahuhuling isda kaya naapektuhan ang kita ng mga pamilyang umaasa sa pangisda,” aniya pa rin.

Pero sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Department of Environment and Natural Resources sa pangunguna ni Secretary Juan Miguel Cuna, lokal na pamahalaan at mga mamamayan muling napangalagaan at naparami ang bakawan.

Nagsisilbi na aniya ngayon ang mga ito bilang natural na proteksyon laban sa malakas na alon, storm surge, pagbaha at pagguho ng baybayin.

“Malinaw ang nais na ipakita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na walang imposible kapag nagtutulungan ang nasyonal at lokal na pamahalaan katuwang ang taumbayan,” diing pahayag ni Castro. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here