Home NATIONWIDE HVI timbog sa P1.4M shabu sa Laguna

HVI timbog sa P1.4M shabu sa Laguna

2
0

MANILA, Philippines – Hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1,451,121.00 ang narekober ng Calamba City Police Station makaraang maaresto ang isang High Value Individual sa isinagawang buy-bust operation, nitong gabi ng Martes, Nobyembre 3 sa Purok 6 Barangay Pansol, Calamba, Laguna.

Ang suspek na pansamantalang nasa kustodiya ng Calamba City Police Station ay nakilala sa Alyas Ron, 38, residente ng nabanggit na lungsod.

Base sa report kay PBGen Dominic L. Baccay Regional Director ng PRO4 CALABARZON, ganap na alas-6:15 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad matapos makipag ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Authority (PDEA) hinggil sa pagbebenta umano ng suspek ng ilegal na droga.

Nakumpiska sa suspek ang walong (8) heat- sealed trasparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang Shabu na may timbang na 115.9 gramo at isang transparent plastic na umano ay naglalaman ng shabu na may bigat na 97.5 grams na tinatayang may kabuuang halaga na P1,451,121.00, bukod dito narekober din ang ginamit na buy-bust marked money.

Sa pamamagitan ng pinaigting na police operations, intelligence-driven initiatives, at pakikipagtulungan sa komunidad, patuloy na isinusulong ng PRO4A ang B.E.S.T. Policing Framework – Be Visible , Engage Immediately, Serve Together, Transform Trust, upang matiyak ang isang mas ligtas at drug-free sa lalawigan ng CALABARZON.

“Sa bawat buhay na sinisira nyo, may pamilyang nawawalan ng pag- asa at kinabukasang ninanaka, hindi ko ito hahayaang magpatuloy sa mga nagtutulak at nagbebenta ng ilegal na droga, asahan ninyong hindi luluwag ang aming paghahanap sa inyo hanggang kayo ay maiharap sa hustisya,” ayon kay PBGen Baccay.

Samantala, ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here