Home NATIONWIDE Malakanyang tiniyak sa mga magsasaka, IPs ‘di pababayaan sa Pax Silica project

Malakanyang tiniyak sa mga magsasaka, IPs ‘di pababayaan sa Pax Silica project

2
0

MANILA, Philippines – TINIYAK ng Malakanyang sa mga Indigenous Peoples (IPs) na hindi pababayaan ang mga ito na ma-displaced dahil lamang sa planong Pax Silica initiative, habang naghahanda ang gobyerno na isapinal ang legal framework nito.

Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ang planong Pax Silica facilities ay itatayo sa loob ng designated buildable zone, na aniya’y mapipigilan ang displacement ng mga magsasaka at IPs.

“Sa ating pagkakaalam, ilalagay naman ang nasabing istruktura doon sa buildable zone. So kung nasa buildable zone siya, wala dapat na maapektuhan ang ating mga kababayan, mga farmers or IPs,” ang sinabi ni Castro.

Sa kabilang dako, tiniyak naman ni Castro na ang mga apektadong residente ay bibigyan ng relocation sites at financial assistance kapag ang proyekto ay magresulta ng displacement.

“Kung nandun sila sa buildable zone, hindi po sila pababayaan para mawalan sila ng lugar para tirahan. Malaki po yung area na maaaring mapagdadalhan ng ating mga kababayan. At hindi po mawawala ang mga financial assistance kung mayroon po talagang ma-displace,” ang winika ni Castro.

Matatandaang, ganito rin ang pagtiyak na ipinahayag Malakanyang noong Agosto, kung saan sinabi nito na ang panukalang Pax Silica project sa New Clark City ay hindi magiging daan para ma-displace ang mga magsasaka dahil ang lugar ay pinili bilang “buildable zone” simula pa noong 2019.

Ani Castro, “the 3,500-hectare area designated as buildable zones includes the site identified for the Pax Silica project. Meanwhile, around 6,000 hectares have been reserved for green spaces, forest reserves, and planned agricultural areas.”

Samantala, nang tanungin naman si Castro kung ang Pax Silica legal framework ay malalagdaan sa panahon ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit, ang naging tugon nito ay “We’ll see.”

“Sa ngayon draft agreement; let us see. Baka naman magkaroon ng mas mabilis na aksyon,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, wala pang tiyak na petsa kung kailan lalagdaan ang legal framework para sa planong Pax Silica initiative, ang sinabi naman ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA).

Habang, target na lagdaan ang nasabing kasunduan ngayong buwan ng Nobyembre, kahalintulad ng buwan kung saan inaasahan ang pagbisita ni US President Donald Trump is expected sa Pilipinas para sa ASEAN Summit. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here