Home NATIONWIDE Bagong chief justice papangalanan ni PBBM ngayong linggo

Bagong chief justice papangalanan ni PBBM ngayong linggo

1
0

MANILA, Philippines – NAKATAKDANG pangalanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bagong Supreme Court (SC) chief justice ngayong linggo, papalitan nito si outgoing Chief Justice Alexander Gesmundo.

“Ang lahat naman ng kanditato para maging chief justice ng Supreme Court may kanya-kanyang kagalingan, kanya-kanyang integridad, at ina-announce naman ‘yung susunod na chief justice this week. Hindi na natin pangungunahan ang ating Pangulo,” ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.

Nauna rito, inilabas ng Judicial and Bar Council (JBC), araw ng Huwebes, Oktubre 29, ang limang nominado para sa posisyon ng punong mahistrado ng Korte Suprema na papalit kay Gesmundo.

Kabilang sa shortlist sina Senior Associate Justice Marvic Leonen, Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa, Associate Justice Japar B. Dimaampao, Associate Justice Rodil V. Zalameda at Associate Justice Jose Midas P. Marquez.

Batay sa liham ng JBC kay Pangulong Marcos isinumite ang mga pangalan kasunod ng deliberasyon ng konseho noong Oktubre 29. Ang limang nominado ay kabilang sa mga aplikanteng sumailalim sa panayam para sa posisyon.

Si Gesmundo ay nakatakdang magretiro nang sapilitan sa Nobyembre 6, 2026, sa edad na itinakda para sa compulsory retirement ng mga mahistrado. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here