Home NATIONWIDE Pax Silica deal ‘di pa tiyak kung malalagdaan sa ASEAN Summit —...

Pax Silica deal ‘di pa tiyak kung malalagdaan sa ASEAN Summit — Palasyo

5
0

MANILA, Philippines — Hindi pa tiyak kung lalagdaan ang Pax Silica framework sa pagdalo ni US President Donald Trump sa ASEAN Summit sa Pilipinas ngayong Nobyembre.

“Let us see, baka naman magkaroon ng mas mabilis na aksiyon,” pahayag ni Palace Press Officer Claire Castro nitong Miyerkules.

Ayon kay Castro, hinihintay pa ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ang tugon ng panig ng Estados Unidos sa draft agreement.

Sinabi ng BCDA na nakipagpulong na ito sa Office of the President sa pamamagitan ng Office of the Executive Secretary kaugnay ng memorandum na isinumite kasama ang Department of Trade and Industry.

Nagbigay na rin umano ng guidance sa BCDA para sa negosasyon at finalization ng framework arrangement sa US counterpart.

Kasabay nito, muling tinugunan ng Palasyo ang pangamba sa posibleng displacement ng mga Aeta at iba pang indigenous peoples sa Tarlac kaugnay ng proyekto.

Ayon kay Castro, nakatakdang ilagay ang mga istraktura sa tinatawag na “buildable zone,” kaya inaasahang walang maaapektuhang farmers o indigenous peoples.

Sinabi rin niya na mahigit 6,000 ektarya ang kabuuang lugar, ngunit mahigit 3,000 ektarya lamang umano ang itinuturing na buildable zone.

Tiniyak ng Palasyo na hindi pababayaan ang mga komunidad na matagal nang naninirahan sa lugar. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here