Home NATIONWIDE Marcos nakipagpulong sa MILF leaders sa Malacañang

Marcos nakipagpulong sa MILF leaders sa Malacañang

4
0

COTABATO CITY — Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga lider ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Malacañang nitong Miyerkules, ayon kay Presidential Peace Adviser Secretary Mel Senen Sarmiento.

Kabilang sa mga nakaharap ng Pangulo sina MILF chairman Ahod “Al Haj Murad” Ebrahim, MILF Peace Implementing Panel chair Mohagher Iqbal, Atty. Sha Elijah “Lai” Dumama-Alba at Engr. Mohajirin Ali.

Dumalo rin sa pulong si Sarmiento, na nagsabing isinagawa ang pagpupulong matapos ang hiwalay na meeting ng Pangulo sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

Hindi naman nagbigay ng detalye si Sarmiento hinggil sa mga partikular na usaping tinalakay sa closed-door meeting.

Nauna nang humiling ang MILF ng pagpupulong kay Marcos kaugnay ng mga natitirang usapin sa pagpapatupad ng Bangsamoro peace process.

Bago ang pulong, kinumpirma rin ng Malacañang na nakatanggap ang Pangulo ng liham mula kay Ebrahim na humihiling ng pag-uusap tungkol sa mga natitirang commitment sa ilalim ng peace agreement.

Nagkaroon ang pagpupulong ilang araw matapos ang inaugural session ng regular Bangsamoro Parliament noong Oktubre 30, kung saan nahalal bilang chief minister si Abdulraof Macacua matapos talunin si Ebrahim.

Samantala, patuloy na nakatuon ang government at MILF peace panels sa pagpapatupad ng Normalization Track ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro, kabilang ang decommissioning at iba pang natitirang obligasyon sa peace process. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here