Home NATIONWIDE Unified PWD ID system inilunsad na kontra pekeng IDs

Unified PWD ID system inilunsad na kontra pekeng IDs

3
0

MANILA, Philippines — Inilunsad ng National Council on Disability Affairs (NCDA) ang Unified Persons with Disabilities Identification System (UPWDIS) upang labanan ang paggamit ng pekeng PWD IDs at gawing mas madali ang beripikasyon ng mga lehitimong cardholder.

Sa ilalim ng sistema, kailangang magparehistro ang mga persons with disabilities sa Persons with Disability Affairs Office (PDAO) o social welfare office ng kanilang local government unit.

Ayon sa NCDA Administrative Order No. 001, Series of 2026, layunin ng UPWDIS na magkaroon ng iisang nationally recognized at digitally integrated na sistema para sa registration, verification at issuance ng PWD identification credentials.

Magkakaroon ang bawat rehistradong PWD ng unique identification number at QR o barcode na maaaring gamitin sa pagberipika ng kanilang rekord at eligibility sa mga benepisyo.

Ang sistema ay centrally managed ng NCDA at Department of Social Welfare and Development (DSWD), habang ang mga LGU pa rin ang responsable sa pagproseso at pag-isyu ng IDs. Maaari ring mag-print ang LGU ng digital ID kung kinakailangan o hilingin ng cardholder.

Bahagi rin ng bagong sistema ang mas mahigpit na validation ng mga dokumento upang matukoy ang duplicate, erroneous o fraudulent registrations.

Para sa apparent disabilities, maaaring tumulong ang PDAO sa disability certification, habang kailangang dumaan sa kaukulang verification ang mga aplikanteng may non-apparent disabilities.

Nilimitahan din ang access sa system sa authorized LGU personnel upang matukoy kung sino ang nag-encode, nag-validate at nagproseso ng registration, na makatutulong sa imbestigasyon sakaling magkaroon ng iregularidad.

Ayon sa DSWD, layunin ng unified system na i-standardize ang verification process at mapigilan ang paglaganap ng pekeng PWD IDs na nakaaapekto hindi lamang sa gobyerno at mga negosyo kundi maging sa lehitimong PWD cardholders.

Sa ilalim ng umiiral na batas, ang mga kwalipikadong PWD ay may karapatan sa 20% discount at VAT exemption sa piling produkto at serbisyo, kabilang ang gamot, transportasyon at pagkain, alinsunod sa mga umiiral na patakaran.

Nagpatupad ang NCDA ng three-year transition period para sa rollout ng unified system habang patuloy na ikinokonekta at sini-synchronize ang mga database ng LGUs sa buong bansa. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here