Home ENTERTAINMENT Isabel ‘di nagseselos kay Heart!

Isabel ‘di nagseselos kay Heart!

4
0

Manila, Philippines – Sinabi ni Isabel Oli na hindi siya nagseselos kay Heart Evangelista kahit super close ito sa hubby niya na love team partner ng Kapuso actress sa isang upcoming romantic movie.

“No, I don’t get jealous. Kasi Heart is a good friend, nauna kaming maging friends ni Heart. Siya ‘yung constant friend ko sa showbiz, kaya happy ako nung nalaman ko na may movie siya with John,” bungad niya.

Katunayan, siya raw ang nag-engganyo o nambuyo sa mister na tanggapin ang proyekto para sa kanilang reunion movie.

Sey pa niya, isa raw siya sa mga avid fan ng tambalang JoHeart nina John Prats at Heart Evangelista.

“Support talaga ako all the way. Actually, fan kasi nila talaga ako before maging kami ni John [Prats],” lahad niya.

Nag-throwback pa siya na noong teenager pa siya ay nakikipagsiksikan siya sa mall shows sa Cebu para mapanood lamang ang dalawa.

“Oo, faney talaga ako. Nag-mall show sila sa Cebu, habol talaga ako. I remember, sobrang sigaw rin talaga ako sa kanila ng John at Heart,” pagbabalik-tanaw niya.

Sa hiatus naman niya sa showbiz, naurirat siya kung willing ba siyang mag-apir sa comeback movie ng JoHeart.

Hirit niya, masaya na raw siya sa pagsuportang ginagawa niya sa unexpected love team.

“No, ibibigay ko muna ‘yung moment dun sa dalawa,” bulalas niya.

Samantala, masaya naman si Isabel dahil suportado ng kabiyak ang pagiging faney niya ng K-pop group na BTS.

“My gosh, ewan ko ba kung normal pa ba kami. Sobra rin mag-support si John kasi every time na may bagong ine-endorse ‘yung BTS, siya talaga mismo ‘yung mag-o-order nun,” pagbibida niya.

Dagdag pa niya, si John din daw ang nag-engganyo sa kanya na um-attend ng concerts ng phenomenal boy band abroad bilang suporta sa grupo.

Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here