BULACAN, Philippines – Umabot sa tinatayang 4.7 kilometro ang traffic buildup sa Marilao northbound portion ng North Luzon Expressway (NLEX) nitong Huwebes ng umaga dahil sa isang aksidente, ayon sa NLEX Corporation.
Sa traffic update nito bandang alas-11:20, sinabi ng korporasyon na nagkaroon ng mabigat na daloy ng trapiko sa naturang bahagi ng expressway.
Nasa gitna at pinakakanang lane (lanes 3 at 4) ang mga sasakyang sangkot sa aksidente habang isinasagawa ang retrieval operation.
Samantala, magaan naman ang daloy ng trapiko sa iba pang bahagi ng NLEX-SCTEX at NLEX Connector, kabilang ang lahat ng toll plaza at interchange. RNT/MDS