Manila, Philippines – Isa sa mga judges ng ikalawang edisyon ng Miss Grand International All Stars si Miss Universe 1969 Gloria Diaz.
Mismong ang official Facebook page ng MG All Stars ang nag-anunsyo nito sa pamamagitan ng video.
Ginawang highlight ng nasabing timpalak ang mga achievements ng beauty queen-turned-actress sa loob ng kanyang karera.
Simula ng video: “An icon across generations. From beauty queen to award-winning actress in 1969, the first Filipina Miss Universe Gloria Diaz. A timeless legacy lives on.”
Excited ang mga pageant fans sa anunsyong ‘yon: “Happy to see her at MGI.”
Unang inanunsyo ng MGI All Stars ang kanilang second edition nitong June makaraan ng matagumpay na inaugural competition.
It announced: “Due to overwhelming demand for MG All Stars, we are thrilled to announce the launch of its second edition.”
Gaganapin ang coronation nito sa December 12.
Matatandaang idinaos ang unang edisyon nito sa Thailand nitong May 30 kung saan si Vanessa Pulgarin ng Columbia ang nag-uwi ng korona.
MGI All Stars is open to contestants who have previously “stood on an international stage but have yet to win a crown.”
Samantala, nagtala ng kasaysayan si Gloria nang tanghaling MU na ginanap sa Miami Beach, Florida sa USA.
Ayon sa panayam sa kanya ni Boy Abunda noong 2025, hindi daw niya inaasahang maiuwi niya ang korona: “But I didn’t think I was gonna lose.”
Napaulat nang lalahok sa MGI All Stars second edition si Michelle Dee Marquez.
With Gloria in the panel of judges, may pag-asa kaya ang anak ni Melanie Marquez?