Home NATIONWIDE VP Sara nasa Hong Kong Nov. 6-8; sariling gastos sa biyahe —...

VP Sara nasa Hong Kong Nov. 6-8; sariling gastos sa biyahe — OVP

4
0
Dumating si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court para sa arraignment ng kanyang kasong grave threats ngayong Biyernes, Oktubre 9. DANNY QUERUBIN

MANILA, Philippines – Nasa Hong Kong si Vice President Sara Duterte mula Nobyembre 6 hanggang 8 para dumalo sa ilang engagements at aktibidad, kabilang ang isang event ng Filipino community, ayon sa Office of the Vice President (OVP).

Sinabi ng OVP na personal na pondo ni Duterte ang gagamitin sa biyahe at walang government funds, resources o facilities na gagamitin para rito.

Ayon pa sa tanggapan, nakakuha rin ang Bise Presidente ng pahintulot mula sa Quezon City court na humahawak sa grave threats case laban sa kanya bago bumiyahe patungong Hong Kong.

Naganap ang biyahe ilang araw bago nakatakdang ipagpatuloy sa Nobyembre 9 ang impeachment trial laban kay Duterte sa Senado.

Nauna nang nagsumite ang kanyang defense team ng listahan ng mga testigong nais nitong ipatawag para sa mga pagdinig mula Nobyembre 9 hanggang 13. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here