MANILA, Philippines – BUMABA ang farm production ng Pilipinas ng 5% sa P389.42 billion sa third quarter ngayong taon, bumaba ang mga ani at pangisdaan, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sinabi ng PSA na ang crop production, na bumubuo ng higit sa kalahati sa pangkalahatang agriculture at fisheries production, bumaba ng 9.% sa P197.71 billion.
Ang palay (unmilled rice) at mais, pangunahing drivers ng crop output, nakapagtala ng double-digit na paghina ng 17.8% at 17.4%, ayon sa pagkakabanggit.
“Fisheries production value amounted to P50.86 billion, down 8.5 percent. Livestock rose 1.1 percent to P61.17 billion, while poultry grew 4.9 percent to P79.67 billion,” ang sinabi ng PSA. KRIS JOSE