Home METRO 70% ng oil spill sa Bataan, narekober na

70% ng oil spill sa Bataan, narekober na

1
0

BATAAN, Philippines – Narekober na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang tinatayang 70 porsiyento ng tumagas na langis sa karagatan ng Mariveles, Bataan, ayon sa ahensiya nitong Biyernes.

Nakatanggap ang PCG ng ulat tungkol sa hinihinalang oil spill noong Nobyembre 5 na nakaapekto sa 500 metro kuwadrado ng katubigan sa Sitio Naswe, Barangay Ipag.

Ayon kay PCG spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, agad nagsagawa ang ahensiya ng mga hakbang upang mapigilan ang pagkalat ng langis. Inaasahang matatapos ang operasyon sa Sabado ng umaga.

“Itong oil na ‘to ay madali pong mag-disperse kasi ito ay non-persistent. So, pwede po siyang mag-evaporate on its natural way,” pahayag ni Cayabyab sa programang Bagong Pilipinas Ngayon ng state-run PTV.

“Napapansin po natin ngayon sa ongoing na operations natin, ‘yung mga nakikita po sa mga batuhan [na oil] ‘pag nahahampas ng alon ay halos nawawala rin po,” dagdag niya.

Patuloy rin ang imbestigasyon sa insidente. Batay sa paunang pagsusuri, used oil ang tumagas at sadyang itinapon sa lugar. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here