MANILA, Philippines – Magbibigay ng libreng sakay ang Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) sa loob ng tatlong araw bilang bahagi ng paggunita sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit 2026.
Ayon sa LRT-1 sa Facebook post nito, maaaring makasakay nang libre ang mga pasahero sa mga sumusunod na petsa: Nobyembre 9, Lunes; Nobyembre 11, Miyerkules; at Nobyembre 13, Biyernes.
Iiral ang libreng sakay tuwing rush hour, mula alas-7 hanggang alas-9 ng umaga at alas-5 hanggang alas-7 ng gabi.
“Let’s be Together in Motion for ASEAN 2026, mga KasamBiyahe!” ayon sa LRT-1. RNT/MDS