MATAPOS atasang magmulta ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ng mahigit P.5 bilyon ang MOVE IT dahil sa paglabag sa “over the CAP” ay nagsampa kaagad ito ng MR (motion for reconsideration) kaya hindi pa masasabing ‘final’ ang multa.
Pero kaagad din nagbigay ng pahayag si Department of Transportation Secretary Vince Dizon na mas mainam na tanggalin na ang CAP para masuplayan ng tama ang ‘demand’ ng mga pasahero ng MC taxi.
Ganoon din ang panukala ng ilang mambabatas.
Pero hangga’t walang ‘Department Order” na inilalabas ang DOTr at “Memorandum Circular” ang LTFRB o kaya ang panukala ng mga mambabatas ay maging ganap na batas ay mananatiling may CAP na dapat sundin ang mga accredited motorcycle taxi companies.
Tama ba alisin ang CAP sa MC Taxis? Kahit ang MOVE IT ay hindi ganito ang posisyon.
Ang sabi ng MOVE IT ay sumusunod sila sa CAP dahil hindi naman sila humihigit sa CAP at a given day alinsunod sa patakaran.
Ibig sabihin ay para sa MOVE IT ang CAP ay bilang ng aktuwal na pumapasada sa ibinigay na oras at bilang ng riders na naka-onboard sa kanila dahil maraming riders ay part timers lang at ang iba ay multi-homing o ibig sabihin ay onboard din sa ibang kumpanya.
Sa tingin ng Lawyers for Commuters Safety and Protection ay dapat industry CAP at hindi individual allocation ang CAP para hindi mawalan ng hanapbuhay ang higit na 50,000 over the cap riders.
Dapat din may industry CAP para hindi maglabo-labo at maglaban-laban ang riders ng pasahero kapag sumobra ang dami nila at maging kalaban din sa pasahero ng tricycles, jeep, taxi , TNVS at iba pa.
So hangga’t walang aksyon ang DOTr ay nananatiling panukala pa lang ang sinabi ni Sec. Dizon. Pero tama na balikan at i-review na ang mga patakaran ng MC TAXI para maging maayos ito, dahil ang matagal nang pangako na batas ng Kongreso ay napako na habang lumalaki ang industriya ng MC TAXIS.






