Home OPINION BAGONG BALAYAN, LIWANAG NG PAG-UNLAD!

BAGONG BALAYAN, LIWANAG NG PAG-UNLAD!

2
0

HAPPY birthday GARY PUA, of the Rotary CLub of Raha Sulayman. Magblow-out ka naman. Syempre iba sa surprise birthday party na mula sa Team Fight Hunger na siguradong ikinagulat mo.

* * * *

HINDI lamang liwanag sa mga lansangan ang hatid ng mga proyektong isinagawa sa Balayan, Batangas. Kasabay nito ang pag-asang mas magiging maunlad ang kabuhayan, masigla ang negosyo, at mas maraming oportunidad ang mabubuksan para sa mga mamamayan sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Lisa Ermita-Abad.

Isa sa mahahalagang hakbang ang solar street lighting project na ang layunin ay magbigay-liwanag sa 11 barangay. Higit sa pagiging modernong pasilidad, ang solar lighting ay isang pamumuhunan sa kaligtasan at kaginhawahan ng komunidad. Kapag mas maliwanag ang mga lansangan, mas naging panatag ang mga residenteng umuwi sa gabi at mas nagkakaroon ng pagkakataon ang maliliit na negosyong magpatuloy sa kanilang operasyon.

Mahalaga rin ang ganitong proyekto sa paglikha ng kapaligirang kaaya-aya sa kalakalan. Ang isang bayang ligtas, maayos, at may maaasahang imprastraktura ay mas nakahihikayat ng mamumuhunan at negosyanteng naghahanap ng lugar na mapalalago ang kanilang negosyo.

Sa pamamahala ni Mayor L.E.A., mahalagang bahagi ng direksyon ng Bagong Balayan ang pagpapasigla sa lokal na ekonomiya. Ang pagtulong sa mga magsasaka, pagpapabuti ng mga pasilidad, at pagsuporta sa maliliit na negosyo ay maaaring magbukas ng mas maraming oportunidad para sa hanapbuhay at dagdag na kita ng mga pamilya.

Hindi maihihiwalay ang pag-unlad ng negosyo sa pag-unlad ng mamamayan. Kapag lumalakas ang mga lokal na negosyo, lumalawak ang posibilidad ng trabaho, umiikot ang pera sa komunidad, at nagkakaroon ng pagkakataong umangat ang kabuhayan.

Ito ang uri ng pag-unlad na dapat patuloy na palakasin sa pamamagitan ng maayos na pamamahala at pakikipagtulungan sa pribadong sektor ng administrasyon ni Mayor Liza.

Siyempre, hindi natatapos sa pagtatayo ng mga proyekto ang hamon sa lokal na pamahalaan. Kailangang tiyakin ang wastong pangangalaga sa mga pasilidad, tuloy-tuloy na suporta sa mga negosyante, at patas na pagkakataon para sa bawat Balayeño.

Sa pamumuno ni Mayor Lisa Ermita-Abad, ang layunin ay higit pa sa pagpapaganda ng bayan. Ang tunay na sukatan ng Bagong Balayan ay ang liwanag na nagbibigay-seguridad, ang negosyong nagbibigay-hanapbuhay, at ang ekonomiyang lumalago kasama ang mamamayan.

Liwanag sa mga barangay, pag-unlad sa kabuhayan—iyan ang pangarap na dapat sama-samang isakatuparan para sa mas masigla at maunlad na Balayan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here