Home NATIONWIDE 1st-time recipients prayoridad ng DepEd sa pamimigay ng laptop sa mga guro

1st-time recipients prayoridad ng DepEd sa pamimigay ng laptop sa mga guro

6
0

MANILA, Philippines – Nag-isyu ang Department of Education (DepEd) ng mga panuntunan sa distribusyon ng 231,725 newly procured laptops sa mga guro ng pampublikong paaralan sa pagsisimula ng nationwide deployment nito bukas, Nobyembre 9.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, layon ng guidelines sa ilalim ng Laptops for Teachers (L4T) initiative na gawing prayoridad sa pagbibigay ng mga laptop ang mga guro na hindi pa nakatanggap ng government- o school-issued device.

“We want to ensure these laptops go to teachers who can maximize them most for teaching and learning, while keeping equity at the center,” sinabi ni Angara.

Ang kabuuang procurement ay nasa 169,008 Mac-based laptops at 62,717 Windows-based units para sa teaching personnel, kasama ang karagdagang 3,646 MacBook Neo units para sa administrative officers.

Ayon sa DepEd, sa pamamagitan ng competitive public bidding ay nakuha nila ang mas mababang halaga para sa mga ito kasama ang package inclusions na built-in productivity tools, nationwide delivery, professional training, at five-year extended warranty.

Ipapamahagi ang mga laptop batay sa mga rehiyon, dibisyon, at paaralan sa head count ng mga guro.

Gagawing prayoridad ang mga paaralan na hindi pa nakatanggap ng unit sa ilalim ng DepEd Computerization Program L4T component.

Para maging kwalipikado, ang mga guro ay dapat na may active teaching assignment, mayroong active DepEd email account na may multi-factor authentication, at walang working government- o school-issued laptop na natanggap sa pagitan ng Enero 1, 2023 at Nobyembre 6, 2026.

Hindi naman maaapektuhan sa pagbibigay-prayoridad ang seniority at non-teaching responsibilities.

Samantala, nagpaalala naman ang ahensya na ang mga ipapamahaging laptop ay mananatiling pagmamay-ari ng pamahalaan.

Ang mga device ay imomonitor ng Mobile Device Management system ng DepEd at ipinagbabawal ang hindi awtorisadong paglilipat o pagbenta nito.

Dapat namang isuko ng mga guro na mare-reassign sa labas ng teaching track o mapo-promote ang mga assigned unit. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here