Home NATIONWIDE Depensa ni VP Sara kulang ng counter-witness sa P817M asset gap –...

Depensa ni VP Sara kulang ng counter-witness sa P817M asset gap – Kapunan

1
0

MANILA, Philippines – Bigong makapagpresenta ng expert witness ang defense team ni Vice President Sara Duterte para sa financial findings ng prosecution panel, ayon kay Atty. Lorna Kapunan nitong Sabado, Nobyembre 7.

Nasurpresa si Kapunan, counsel para sa House prosecutors, matapos suriin ang listahan ng 25 defense witness na ipinasa sa Senate impeachment court.

Aniya, wala sa mga ito ang may kakayahan para salagin ang testimonya ni forensic financial audit expert Alexander Cabrera.

“Nakakapagtaka nga… kasi nakita namin sa list of witnesses na wala silang linista na witness na mag-e-explain the discrepancy, wala silang maitapat sa aming witness na si Atty. Cabrera,” ani Kapunan sa news conference.

Nakita sa comprehensive analysis ni Cabrera sa financial records ni VP Sara, at asawa nitong si Manases Carpio, kasama ang kanilang mga negosyo, ay mayroong conservative estimate na ₱817 million sa undeclared assets.

Sa clarificatory questioning ni Senate President at impeachment court presiding officer Francis Escudero, sinabi ni Cabrera na ang unexplained wealth ay maaaring umabot sa pagitan ng P1.5 bilyon at P1.6 bilyon.

Iginiit ni Kapunan na ang konklusyon ni Cabrera ay batay lamang sa bank records, insurance policies, investments, at business earnings na ipina-subpoena ng korte.

“The expert witness that we presented did not give opinions based on thin air. ‘Yung expert po namin nagbigay ng opinion based on records na pinag-aralan,” dagdag pa niya.

“Ang mga kailangan ipaliwanag ni VP—in summary, sa SALN, ano ang sinasabi ng record? Ang idiniklara laban sa record ng assets? Ang tanong, Madam Vice President, tugma ba ang sinumpaan sa record mo?” pagpapatuloy nito.

“’Wag niyang sabihin, ‘Eh hindi ako naman ang gumawa. Accountant ko naman ang gumawa ng SALN, pinirmahan ko lang.’ Hindi pwedeng ganun lang, Madam Vice President. First, you’re a lawyer. You should know the importance of a signed and sworn document, the importance of your signature,” babala ni Kapunan.

“Pinapatunayan mo na ang pinirmahan mo ay the truth and nothing but the truth. Under oath ‘yan.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here