Home OPINION SIBAKAN SA PANGULO SA LABAS AT SA PINAS

SIBAKAN SA PANGULO SA LABAS AT SA PINAS

3
0

SENTRO ng usapan ang pagkakapilay nang husto ni United States President Donald Trump bilang Pangulo ng pinakamapangyarihang bansa sa mundo.

Sa mid-term elections nitong Nobyembre 3, 2026, mas marami na ang mga kongresman at senador na Democrat kaysa Republican na kaalyado ni Trump, kaya tinatawag na siyang “lame duck” o pilay na Pangulo.

Lame duck dahil lahat ng gusto niyang gawin ay hindi na nito magagawa dahil maaaring harangin ng Kongreso at tanging ang magagawa nito ay mag-veto nang mag-veto ng mga batas na isusulong ng mayoryang kongresman at senador.

Isa pa, mawawala na siya sa 2029 dahil bawal sa Konstitusyon, sa ilalim ng 2nd Amendment, ang Pangulo na magkaroon ng tatlong termino at nakadalawa nang sunod siyang Pangulo ngayon.

Pero ang mahalaga para sa Pinas, ano-ano kaya ang mga epekto nito, kasama na ang libo-libong Pinoy na pinalalayas sa US sa iba’t ibang kadahilanan, pangunahin ang pagiging iligal ng mga ito?

Ang sabi ng ating mga ambassador sa US, posibleng gagaan ang problemang ito.

‘Yun bang === kung may maalis man, hindi ang pinangangambahang maramihang deportasyon.

May 13 milyong dayuhang pinalalayas ngayon ni Trump sa US.

Korapsyon at humihirap na buhay-Amerika ang nagpabagsak kay Trump.

PARAGUAY PRES. PENA IN-IMPEACH

Sa Latin America, nag-resign si Paraguay President Santiago Peña habang ini-impeach siya.

Ini-impeach siya dahil sa pagbagsak ng kanilang ekonomiya sa korapsyon.

Inakusahan si Pena ng labis na pagnanakaw sa salaping bayan at salaping Paraguayano na nakadeposito sa mga bangko.

Ginapala umano nina Pena, partikular, ang pera sa Ueno Bank, may kontrol sa 60% ng lahat ng bangko.

Ang ginawa ng Central Bank ng Paraguay, idineklara nilang bankrupt ang Ueno Bank saka hinawakan ito para sa proteksyon ng mga depositor.

Ngunit gaya ng nangyayari sa Pinas kung may bumabagsak na bangko, hindi na basta makapaglabas o makapag-withdraw ang mga depositor, mayaman o mahirap ng kanilang salapi.

Kung meron man, kakapuranggit na halaga kaya ang dami ang bumagsak ng kabuhayan, mahihirap at mayayaman.

Ang nangyari, kahit nag-resign na si Pena, unanimous na in-impeach siya ng Kongreso ng Paraguay at aasahan na ang mga kasong kriminal, sibil at administratibo na susunod.

Ipakukulong si Pena at pupwersahin siyang magsauli ng kanyang ibinibintang na nakaw na yaman at tanggal sa pwesto ang mga kasabwat niya.

SA PINAS KAYA?

Ang daming kwento ngayon ukol sa nakawan sa salaping bayan at hindi libre rito mismo si Pangulong Bongbong Marcos sa akusasyon at maging ang pamilya nito.

Katatapos lang na sabihin ng Supreme Court na unconstitutional ang mga pambansang badyet o General Appropriations Act para sa 2024, 2025 at bahagi ng 2026.

Sa dulo nito, ipinag-utos ng Hukuman ang paghahanap sa mga awtor, nagpanukala at nagpatupad ng pambansang badyet o GAA para masampahan ng mga kasong kriminal (para may makulong), sibil (para maisauli ang nakaw na yaman) at administratibo (para sa matanggal sa pwesto).

Mukhang inulit ang mga nakawan na naman para sa GAA 2027, ayon sa Senado.

Ano-ano naman kaya ang mangyayari sa mga panahong ito hanggang 2028…kay Pang. Marcos at iba pa, pro-Marcos man o anti-Marcos, na inaakusahang nagpayaman sa pwesto at abusado sa kapangyarihan?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here