Home OPINION 56% HAPPY KAY VP SARA; 65% ‘DI HAPPY KAY PBBM

56% HAPPY KAY VP SARA; 65% ‘DI HAPPY KAY PBBM

4
0

NAG-POMPIYANG, este, nagbaligtaran ang numero ng pagtitiwala kina Vice President Sara Duterte at Pangulong Bongbong Marcos.

Sa sarbey na isinagawa ng WR Numero na ginawa nitong Oktubre 17-23, 2026 na ipinalabas nitong Undas lamang, happy o satisfied ang 56% sa pagiging Bise Presidente ni VP Sara habang 65% ang hindi happy o dissatisfied kay Pang. Marcos Jr.

Anyare?

Paliwanag ni WR Numero Research CEO and President Prof. Robin Michael Garcia, ito’y sa gitna ng matinding paghihirap at hirap na hirap na matugunan ng halos 60% ng mga Pinoy ang kanilang mga pangunahing pangangailangan,.

Nariyan pa ang magulo at walang katiyakang kaguluhan sa pulitika.

Sa hirap sa buhay, ipinaliwanag ni Garcia na matindi ang epekto ng sobrang taas sa presyo ng mga pangunahing bilihin at langis at tila nakikita ng mga mamamayan ang labis na kakulangan o kawalan ng tamang tugon mismo ng pamahalaang Marcos.

Mabuti kung mahihirap lang ang naaapektuhan nang masama, eh, maging ang mga negosyante, apektado rin.

Ang masama pa, tila kulang na kulang ang pagpapaliwanag ng pamahalaan kung bakit nagkakandahirap-hirap ang buong bayan upang makaahon man lang sa pag-aalala ang mga mamamayan.

Ang problema, magpaliwanag man ang pamahalaang Marcos, problema rin ang kredibilidad ng Pangulo o sinomang nagtatanggol sa kanya.

Nagkakaproblema na nga sa buhay ang mga mamamayan, mayaman man o mahirap, paano nga paniwalaan ang mga sinasabi ng pamahalaan na walang problema o huwag mag-panic?

Dito na lumilitaw ang pangangailangan ng iba para magbigay ng pag-asa na balang araw, mapapagaan o mababago rin ang bagsak na buhay ng sambayanan.

At kay VP Sara ang pag-asang iyan?

May problema nga lang na malaki dahil ini-impeach siya at pursigido ang pamahalaang Marcos na sibakin ito sa pwesto at haranging kumandidato sa 2028.

Nariyan pa ang pagkilos na idemanda siya ng plunder upang makulong na ito bago pa mag-2028 na panahon ng pagpapalit ng administrasyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here