Home HOME BANNER STORY Senado inilatag Nov-Dec schedule ng VP Sara impeachment, 2027 budget

Senado inilatag Nov-Dec schedule ng VP Sara impeachment, 2027 budget

3
0

MANILA, Philippines – Inilabas ng Senado ang iskedyul nito para sa natitirang bahagi ng Nobyembre at Disyembre, kabilang ang pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte at deliberasyon sa panukalang 2027 national budget.

Sa Nobyembre 9, magpapatuloy ang impeachment trial mula alas-10 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon bago magbigay-daan sa plenary session. Magpapatuloy muli ang paglilitis pagkatapos nito.

Buong araw naman ang impeachment trial sa Nobyembre 10, 12, 13, 19 at 20, mula alas-10 ng umaga hanggang alas-6:30 ng gabi.

Sa Nobyembre 11, nakatakda ang trial mula alas-10 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon, habang sa Nobyembre 23 ay mula alas-10 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon.

Walang impeachment trial sa Nobyembre 30 dahil sa Bonifacio Day.

Samantala, mula Nobyembre 23 hanggang Disyembre 1 ay isasagawa ang plenary interpellations sa panukalang 2027 national budget.

Target ng Senado na aprubahan ang budget sa second reading sa Disyembre 3 at sa third reading sa Disyembre 7.

Nakatakda naman ang bicameral conference committee deliberations mula Disyembre 10 hanggang 12.

Inaasahang lalagdaan ang bicam report sa Disyembre 21 at ratipikahan sa Disyembre 22. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here