Home HOME BANNER STORY Macalintal sa SC ruling sa BSKE: Final blow to rule of law

Macalintal sa SC ruling sa BSKE: Final blow to rule of law

3
0

MANILA, Philippines – Ikinadismaya ni election lawyer Atty. Romulo Macalintal ang desisyon ng Supreme Court (SC) na kumilala sa constitutionality ng Republic Act No. 12326 na nagtakda sa Nobyembre 2028 ng susunod na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Sa pahayag nitong Nobyembre 8, sinabi ni Macalintal na nabigo umano ang desisyon na protektahan ang karapatan ng mga botante na bumoto sa nakatakdang halalan.

Tinukoy niya ang dissenting opinion ni Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa, na nagbabala na maaaring ang desisyon ay nagbigay ng “final blow to the rule of law.”

“I am profoundly disappointed — not only as a lawyer, but as a duly registered voter,” ani Macalintal.

Sa desisyon, sinabi ng SC majority na ang RA 12326 ay isang term-fixing law at hindi simpleng batas na nagpapaliban ng halalan. Itinaas nito sa limang taon ang termino ng barangay at SK officials at itinakda ang susunod na BSKE sa Nobyembre 2028.

Gayunman, tumutol sina Senior Associate Justice Marvic Leonen at Associate Justices Caguioa at Antonio Kho Jr., bukod sa iba pang mahistrado, sa ilang bahagi o kabuuan ng ruling kaugnay ng epekto nito sa right of suffrage.

Sinabi ni Macalintal na maghahain siya ng Motion for Reconsideration at hihiling ng oral arguments upang igiit na ang paglipat ng halalan ay hindi lamang incidental effect ng pagtatakda ng termino.

Nagbabala rin siya na maaaring maging precedent ang ruling sa paulit-ulit na pagpapalawig sa panunungkulan ng mga incumbent kung hindi malilinaw ang limitasyon ng kapangyarihan ng Kongreso.

“If every extension of an incumbent’s tenure may be justified automatically as an incident of Congress’s term-setting authority, nothing would prevent Congress from repeatedly extending such tenure,” aniya.

Umaasa si Macalintal na mababaligtad pa ang desisyon sa kanyang ihahaing motion for reconsideration.

Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here