Home HOME BANNER STORY 3-buwang closed season sa sardine fishing, simula Dec. 1

3-buwang closed season sa sardine fishing, simula Dec. 1

8
0

MANILA, Philippines – Magpapatupad ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng tatlong buwang closed fishing season para sa sardinas simula Disyembre 1, 2026 hanggang Marso 1, 2027.

Saklaw ng Fisheries Administrative Order No. 278, Series of 2026 ang Fisheries Management Area 9 na kinabibilangan ng Macajalar Bay, Gingoog Bay, Iligan Bay, Panguil Bay, Murcialagos Bay, Butuan Bay, Sogod Bay, Cogtong Bay at Guindulman Bay.

Ayon sa BFAR, layunin nitong maprotektahan at maparami muli ang sardine population sa mga naturang lugar.

Batay sa pag-aaral ng National Fisheries Research and Development Institute-National Stock Assessment Program, bumaba ang bilang ng sardinas sa FMA 9 dahil sa overfishing.

Napag-alaman din na marami sa nahuhuling sardinas ang hindi pa umaabot sa tamang edad para makapagparami.

Sa panahon ng closed season, ipinagbabawal ang paggamit ng ilang fishing gear para sa sardinas kabilang ang bagnets o basnig, ring nets, drift gillnets, encircling gillnets, purse seines at scoop nets.

May mga restriksyon din sa paggamit ng municipal at commercial fishing vessels, bagama’t may ilang exemption sa ilalim ng kautusan.

Ang mga lalabag ay maaaring pagmultahin, kumpiskahan ng huli at fishing gear, at patawan ng iba pang parusa sa ilalim ng Philippine Fisheries Code.

Hinimok ng BFAR ang mga mangingisda, commercial fishing operators, local government units at law enforcement agencies na makiisa sa pagpapatupad ng closed season upang mapanatili ang suplay ng isda sa mga susunod na taon. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here