Home METRO Nursing stude natagpuang patay sa bakanteng lote sa Oriental Mindoro

Nursing stude natagpuang patay sa bakanteng lote sa Oriental Mindoro

3
0

ORIENTAL MINDORO – Patay na nang matagpuan ang isang 20-anyos na nursing student sa bakanteng lote sa Barangay Sapul, Calapan City, madaling araw ng Sabado.

Ayon kay Oriental Mindoro Police Provincial Director Police Col. Efraim Camara, natagpuan ang biktima dakong alas-1:15 ng madaling araw sa madilim na bahagi ng barangay road.

May nakitang sugat sa dibdib ng biktima habang nakababa ang kanyang pang-ibabang kasuotan.

Iniimbestigahan pa ng pulisya kung posibleng dumanas ng sexual assault ang biktima ngunit hinihintay pa ang pinal na resulta ng forensic examination.

“Waiting pa rin po sa final results ng forensic team,” ani Camara.

Kinilala ng pamilya ang biktima na residente ng Barangay Labonan sa Bongabong, Oriental Mindoro at third-year nursing student ng St. Anthony College.

Kinondena ng paaralan ang pagpatay at nanawagan ng hustisya para sa estudyante.

Samantala, nag-alok si Bongabong Mayor Mike Malaluan ng P100,000 reward sa sinumang makapagbibigay ng impormasyong hahantong sa pagkakaaresto sa suspek.

Bumuo na rin ang Calapan City Police Station ng special investigation team na tututok sa kaso.

Bagama’t walang CCTV camera sa mismong crime scene, sinusuri ng mga awtoridad ang footage mula sa mga kalapit na lugar upang matukoy ang mga huling galaw ng biktima at posibleng makilala ang nasa likod ng krimen. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here