Home NATIONWIDE Bagyong Samuel pumasok sa PAR; walang direktang epekto sa PH

Bagyong Samuel pumasok sa PAR; walang direktang epekto sa PH

2
0

MANILA, Philippines – Pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Typhoon Cempaka dakong alas-8:40 ng umaga nitong Lunes, Nobyembre 9, at binigyan ng lokal na pangalang Samuel, ayon sa PAGASA.

Gayunman, sinabi ng state weather bureau na walang direktang epekto ang bagyo sa lagay ng panahon sa bansa.

Inaasahang lalabas din ng PAR si Samuel pagsapit ng madaling araw ng Martes.

Samantala, isang malakas na surge ng Northeast Monsoon o Amihan ang inaasahang makaaapekto sa malaking bahagi ng Luzon hanggang kalagitnaan ng linggo. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here