Home NATIONWIDE Trump: Panibagong giyera sa Iran ‘highly unlikely’

Trump: Panibagong giyera sa Iran ‘highly unlikely’

2
0

WASHINGTON – Sinabi ni US President Donald Trump na “highly unlikely” na muling sumiklab ang malawakang labanan sa Iran hangga’t umuusad ang negosasyon para sa isang kasunduan.

Ayon kay Trump, maaari pa rin siyang mag-utos ng panibagong military action kung kinakailangan ngunit naniniwala siyang maiiwasan ito kung papayag ang Iran sa isang “strong agreement.”

Nauna nang nagbanta ang US president na maaaring muling magsagawa ng strikes laban sa Iran sa gitna ng tensyon sa rehiyon.

Gayunman, sinabi ni Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi na pansamantalang bumagal ang peace talks habang sinusuri ang epekto ng resulta ng US midterm elections.

Patuloy din ang tensyon sa Strait of Hormuz kung saan nananatiling apektado ang pagdaan ng ilang oil shipment. Ang sitwasyon sa naturang strategic waterway ay nakaapekto sa pandaigdigang suplay at presyo ng langis.

Bumaba naman ang presyo ng langis matapos ang pahayag ni Trump na hindi malamang magkaroon ng panibagong pag-atake habang nagpapatuloy ang diplomatic efforts. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here