Home NATIONWIDE Rapist nagtago sa batas ng 24 taon, nadakma ng mga parak

Rapist nagtago sa batas ng 24 taon, nadakma ng mga parak

7
0

Bocaue, Bulacan – Arestado ng mga awtoridad sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) ang isang lalaking nagtago sa batas sa loob ng 24 taon nitong Nobyembre 8.

Sa ulat ng Bocaue police station, kinilala ang naarestong si alyas “Jon-Jon, kaugnay kasong rape.

Ayon sa ulat, isinagawa ang operasyon ng tracker team ng istasyon sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL Gilbert Diaz.

Nabatid na ang WOA sa nasabing kaso ay inilabas noong Mayo 29, 2002 ng Regional Trial Court, Third Judicial Region, Branch 78, Malolos City na walang inirekomendang piyansa.

Sinasabing ang pagkakaaresto ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng istasyon laban sa mga wanted.

Humihimas na ng rehas ang wanted na si alyas Jon-Jon sa nasabing istasyon. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here