Home NATIONWIDE Depensa ni Duterte humiling sa ICC, alisin witness laban kay Dela Rosa

Depensa ni Duterte humiling sa ICC, alisin witness laban kay Dela Rosa

7
0

MANILA, Philippines – Hinamon ng depensa ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang salaysay ng witness ng prosekusyon kaugnay sa tungkulin ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa drug war.

Ayon sa depensa, ang witness ay walang personal na kaalaman kung paano tinatanggap ni Dela Rosa ang mga utos ni Duterte.

Sa paghahain sa International Criminal Court (ICC), hiniling ng mga abogado ni Duterte sa mga hurado na alisin ang dalawang ipinapanukalang prosecution witnesses na sina P-1334 at P-1348, mula sa witness list.

Nais ng prosekusyon na ipakilala ang kani-kanilang recorded testimony sa ilalim ng Rule 68(2)(b).

Sa aplikasyon ng prosekusyon, sinabi nito na ang testimonya ni P-1334 ay may kaugnayan sa umano’y tungkulin ni Dela Rosa sa pagpapakalat ng utos ni Duterte para itumba ang mga tao sa anti-drug campaign.

Kabilang din dito ang umano’y listahan ng mga target na drug personalities at pagpatay na umano’y ginawa sa kampanya.

Iginiit ng prosekusyon na ang testimonya ni P-1334 ay makatutulong para mailatag ang umano’y polisiya para itumba ang hinihinalang mga kriminal, tungkulin ng state actors sa pagpapatupad ng polisiya, at ang ambag ni Dela Rosa sa plano.

Samantala, kinontra naman ng depensa ang kakayahan ng witness na suportahan ang salaysay ng prosekusyon sa naging tungkulin ni Dela Rosa.

Dahil dito ay inatasan ng depensa ang Kapulungan na alisin ng prosekusyon ang dalawang witness mula sa listahan.

Wala pang desisyon kaugnay nito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here