MANILA, Philippines – Bilang paghahanda sa 49th ASEAN Summit, inilabas na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at lokal na pamahalaan ng Maynila ang mga itinakdang alternatibong ruta para sa mga truck na bumibiyahe papunta at palabas ng Port Area sa Maynila.
Para sa mga truck na manggagaling sa Port Area patungong North Expressway o NLEX, maaaring dumaan sa Road 10, Capulong, Raxabago, Yuseco, Felix Huertas, at C-3 Road.
Maaari namang dumaan sa A. Bonifacio Avenue, C-3 Road at Road 10 ang mga sasakyan na manggagaling sa NLEX patungong Port Area.
Maaari ring gamitin ang alternatibong ruta sa Blumentritt, Aurora, A.H. Lacson, Tayuman, Oroquieta, Yuseco, Raxabago, at Capulong Street.
Ang mga truck na babaybay patungong southbound mula Port Area ay maaaring dumaan sa itinalagang ruta sa Bonifacio Drive, P. Burgos Avenue, Finance Road, Ayala Boulevard, San Marcelino Street, Quirino Avenue, at OsmeƱa Highway.
Ang mga truck naman mula Osmena Highway na patungong South Pier ay maaaring dumaan sa Quirino Avenue, United Nations Avenue, Romualdez Street, Ayala Boulevard, Finance Road, P.Burgos Avenue at Bonifacio Drive.
Para naman sa patungong Manila North Harbor, maaaring gamitin ang Quirino Avenue, Nagtahan, A.H. Lacson Avenue, Yuseco, Raxabago, Capulong, at Road 10.
Pinaaalalahanan din ang mga truck na patungong pantalan na maglagay ng malinaw na karatula ng kanilang destinasyon sa harapang bahagi ng windshield. Jocelyn Tabangcura-Domenden