MANILA, Philippines – NAMATAAN ng Philippine Navy ng 29 na mga Chinese vessels sa 4 na maritime features sa West Philippine Sea (WPS) sa nakalipas na linggo, November 3 hanggang 8.
Sa ulat, sa Ayungin Shoal ay may 9 na Chinese Coast Guard Vessels (CCGVs) at 1 People’s Liberation Army Navy (PLAN) ship habang sa Bajo de Masinloc naman ay namataan ang 5 CCGVs at 3 PLAN vessels ng Tsina.
Tinatayang anim na mga barko ng Tsina ang namataan sa Escoda Shoal at limang Chinese vessels ang namataan naman sa Pag-asa Island.
Samantala, siniguro naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na patuloy ang kanilang pagbabantay sa teritoryo at soberanya ng bansa alinsunod sa umiiral na international law at layuning mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon. KRIS JOSE