MANILA, Philippines – Inanunsyo ng grupong PISTON ang isang araw na transport strike sa Nobyembre 16, kasabay ng pagbubukas ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) 2026 Summit sa Metro Manila.
Ayon kay PISTON President Mody Floranda nitong Martes, Nobyembre 10, sasalubungin ng kanilang mga miyembro si US President Donald Trump ng kilos-protesta.
Bahagi ito ng serye ng mga aktibidad para kundenahin si Trump na nasa likod ng pagpapataas ng tensyon sa Middle East at pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Ani Floranda, sa oras na lumapag si Trump sa Pilipinas, gagamitin nila ang mga jeepney para magprotesta sa pagbisita nito sa bansa.
Ang transport strike sa Nobyembre 16 ang simula pa lamang ng serye ng mga protesta ng PISTON na magpapatuloy umano hanggang sa makaalis si Trump. RNT/JGC