Home NATIONWIDE BOC employee kinasuhan sa hindi pagsusumite ng SALN

BOC employee kinasuhan sa hindi pagsusumite ng SALN

5
0

MANILA, Philippines – Nahaharap sa kasong administratibo ang isang empleyado ng Bureau of Customs (BOC) matapos mabigong magsumite ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) noong 2005.

Ayon sa Department of Finance (DOF), nagsampa ng kaso ang Revenue Integrity Protection Service (RIPS) laban sa hindi pinangalanang kawani kasunod ng natuklasan ng Civil Service Commission-National Capital Region (CSC-NCR) na hindi ito naghain ng kinakailangang SALN.

Napag-alaman ng DOF na lumabag ang empleyado sa Section 8 ng Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Sa ilalim ng batas, obligadong magsumite ng SALN ang mga opisyal at kawani ng pamahalaan bilang bahagi ng pagsusulong ng transparency at pananagutan sa serbisyo publiko.

Binigyang-diin ni Finance Undersecretary Rolando Ligon na hindi dapat balewalain ang kabiguang maghain ng SALN dahil mahalagang instrumento ito upang maiwasan ang korapsyon at ilegal na pagyaman ng mga lingkod-bayan.

Tiniyak naman ng DOF-RIPS na magpapatuloy ang pagsasampa ng mga kasong administratibo laban sa mga kawani ng gobyerno na lumalabag sa mga patakaran sa integridad at pananagutan.

Layunin umano ng hakbang na mapangalagaan ang kredibilidad ng pamahalaan at mapanatili ang tiwala ng publiko sa mga institusyon ng gobyerno. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here