Manila, Philippines – Umabot na sa more than 100 million ang gross ng Pinoy adaptation ng Thai horror film na Pee Mak na pinagbibidahan ng tambalang WilBea nina Wilbert Ross at Bea Binene.
Katunayan sa kanyang IG, masayang iflinex ni Wilbert ang kanyang pagiging certified box office star.
Ang nasabing pelikula ay kasama na sa top money makers ng 2026 kaya maituturing na nasa liga na ng JoshLia at DonBelle ang nabanggit na loveteam sa kasalukuyang taon.
Hopefully na hindi lang ito one hit wonder at masundan pa ng marami pa nilang hit movies.
At any rate, dahil sa tinamong success sa box-office ng kanilang first movie project, ang WilBea na ang sinasabing number one love team ng Viva.
Kinabog na nito ang AshDres nina Ashtine Olviga at Andres Muhlach, RabGel nina Rabin Angeles at Angela Muji, LanceBrey nina Lance Carr at Aubrey Caraan at JaiNicole nina Jairus Aquino at Nicole Omillo na hindi naman super blockbusters ang mga pelikula.
Sa pag-a-align ng mga stars o sa magandang kapalarang sinapit ng WilBea, maging mapili na rin kaya sila sa kanilang mga proyekto?
Take note rin na hindi sa isang romcom pumatok ang kanilang team up kundi sa isang horror movie.